HALAW   SA KATITIKAN    NG INAUGURAL SESSION   NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN 2022-2025 NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA PAETE MULTI-PURPOSE HALL, BATASANG BAYAN, PAETE, LAGUNA NOONG IKA-01 NG HULYO, 2022 ARAW NG BIYERNES.

  • MGA DUMALO:
    • Kgg. Virgilio L. Madridejos, Jr.,        Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
    • Kgg. Florence Jude V. Cadawas,       Konsehal,
    • Kgg. Lorena B. Velasco,                    Konsehal,
    • Kgg. Carmen E. Valdellon,                Konsehal,
    • Kgg. Roman Pedro M. Baldemor,      Konsehal,
    • Kgg. Anna Patricia A. Adao,              Konsehal,
    • Kgg. Joshua Ryan I. Alvarez,             Konsehal,
    • Kgg. Marcelino H. Baisas,                  Konsehal,
    • Kgg. Mark Anthonny B. Bagamano,  Konsehal,
    • Kgg. Robert Q. Bagabaldo,                Konsehal-LnB,
    • Kgg. John Landolf B. Pangilinan,       Konsehal-SKFP.

 HINDI DUMALO:

          Wala

RESOLUSYON BLG. 001  T. 2022

 RESOLUSYONG  BINIBIGYANG-KARAPATAN  AT KAPANGYARIHAN   ANG KGG. RONALD B. COSICO, PUNONG-BAYAN, NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA MGA LEGAL NA DOKUMENTO AT TRANSAKSIYON HINGGIL SA PANANALAPI AT PONDO NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, AT SA IBA PANG KATULAD NITO; GAYUNDIN KAY GNG. MENCHIE P. ESPAÑOLA,   PAMBAYANG  INGAT-YAMAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE AT SA KGG. VIRGILIO L. MADRIDEJOS, JR., PANGALAWANG PUNONG-BAYAN PARA SA KGG. SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PARA SA LAYUNING ISINASAAD DIN SA NAUNA

sapagkat, noong ika-09 ng Mayo, 2022 ay natapos na ang nagdaang halalan at ngayong ika-01 ng Hulyo, 2022 ay magsisimula na ng panunungkulan ang bagong Pamunuang Bayan;

 sapagkat, alinsunod sa itinatadhana ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal, ang Punong-Bayan ay kinakailangang bigyan ng karapatan at kapangyarihan ng Kgg. Sangguniang Bayan upang maging kinatawan at lumagda sa mga kasunduan ng Pamahalaang Bayan ng Paete;

 SAPAGKAT, kaalinsabay din nito ang pagbibigay din ng karapatan at kapangyarihan sa Kgg. na     Pangalawang Punong-Bayan   bilang    Pinunong    Pantanggapan sa Tanggapan ng Kgg. Sangguniang Bayan;

 SAPAGKAT, kinakailangan ang pagpapasok ng mga bagong dokumento bilang mga bagong halal na Punong-Bayan at Pangalawang Punong-Bayan, gayundin ang nanuparang Pambayang Ingat-Yaman;

 SAPAGKAT, ang Resolusyong ito din ang magbibigay ng karapatan at kapangyarihan kina Kgg. Ronald B. Cosico, Punong-Bayan, Gng. Menchie P. Española, Pambayang Ingat-Yaman at Kgg. Virgilio L. Madridejos, Jr., Pangalawang Punong-Bayan upang makapagpasok at makapaglabas ng pondo sa Land Bank of the Philippines, Sta. Cruz, Laguna na opisyal na bangko ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

 SAPAGKAT, marapat lamang na magpatibay ng panibagong resolusyon para sa ligalidad at pagtugon sa mga hinihinging kasulatan sa kinauukulang bangko at iba pang mga institusyong katulad nito.

 kung kaya’t dahil dito, sa mungkahi ni Konsehal    Marcelino H. Baisas, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay,

 ipinasiya: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon ay binibigyang-karapatan at kapangyarihan ang Kgg. Ronald B. Cosico, Punong-Bayan, na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete at lumagda sa mga legal na dokumento at transaksiyon hinggil sa pananalapi at pondo ng Pamahalaang Bayan ng Paete, at sa iba pang katulad nito; gayundin kay Gng. Menchie P. Española, Pambayang    Ingat-Yaman ng Pamahalaang Bayan ng Paete at sa Kgg. Virgilio L. Madridejos, Jr., Pangalawang-Punong-Bayan para sa Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna para sa layuning isinasaad din sa nauna.

 ipinasiya rin: na sa pamamagitan ng Resolusyong ito, sa pagkakataong magkaroon ng pansamantalang pagbabago sa mga lalagda dahil sa ang mga regular na gumaganap sa katungkulan, gaya halimbawa ng paglalakbay sa ibang bansa, ang Pangalawang Punong-Bayan kung Punong-Bayan, Unang Kagawad ng Kgg. Sanggunian kung Pangalawang Punong-Bayan ay kusang tutupad ng kapangyarihan at magsasagawa ng mga tungkulin at gawain ng hinalinhang mas mataas na katungkulan. May pasubali, kung ang usapin o gawain ay nauukol sa pagtatakda, pagsususpinde, o pagpapaalis (dismiss) ng mga kawani na maaari lamang isagawa kung ang panahon (period) ng pansamantalang pagkawalang-kaya ay hihigit sa tatlumpung (30) araw ng paggawa (working days) – ito ay para sa regular na Lokal na Pinunong Tagapagpatupad lamang.

 iniatas: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

 PINAGTIBAY:  Hulyo 01, 2022

 PINATUTUNAYAN     ko    ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

 

 ANA VICTORIA AGBADA-RAMOS

Kalihim ng Kgg. Sangguniang Bayan 

 

Pinatotohanan:

 

 

VIRGILIO L. MADRIDEJOS, JR.

Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

 

 

Binigyang pansin:

 

 

RONALD B. COSICO

Punong-Bayan

Anv/Res. Blg. 001 T. 2022 authority-lbp rbc, mpe at vlm